"Bulkang Mayon sa Bicol"
Kilala ang Bicol sa pagkakaroon nila ng mala -"perfect cone" na bulkan o ang "Mayon Volcano".Maraming mga turista ang nagtutungo dito upang masilayan ito. Maraming ring mga tao ang nais makapunta dito para makita ito.Ngunit, ano pa nga ba ang iba pa nating makikita dito bukod sa napakagandang hugis nito.
Kung ako ay magkakaroon ng pagkakataon na makapunta dito at ipapapkilala ito syempre ipagmamalaki ko ito dahil sa bansang Pilipinas ito matatagpuan. Ang Bulkang Mayon ay sinasabi ding isang aktibomg bulkan ,bukod dito ay napapalibutan din ito ng magagandang tanawin kaya naman idineklara ito bilang isang National Park noonng Hulyo 20,1938 ngunit binago ito at sinasabing isa itong Natural Park at pinangalanan muling "Mayon Volcano Natural Park"noonng taong 2000.Pinaniniwalaan din na nanggaling ang pangalang Mayon sa isang maalamat na prinsesa na si Daragang Magayon. Tunay na napakaganda ng bulkang ito ,kaya naman kung may pagkakataon ka ay maaari mo itong bisitahin.Tiyak na magiging sulit ang pagbyahe mo dito kapag nasilayan mo ito ng personal.
Hindi man ngayon ang panahon na makakapunta ka, pero tiyakin mong wag mong palalampasin ang pagkakakataong makarating dito. Lahat ng problemang iyong iniisip ay tiyak na mawawaglit dahil sa taglay nitong kagandahan. Sariwang hangin at tahimik na lugar doon iyong matatagpuan kaya halika ka na sa Bulkang Mayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento